Shaq: Huwag i-ban ang baril, maglagay ng pulis sa mga eskuwelahan

Sharing is caring!

Hindi umano kailangang ipagbawal ang baril sa Amerika bagkus dapat dagdagan ang bilang mga pulis sa mga pampublikong lugar partikular sa mga eskuwelahan kung saan madalas mangyari ang insidente ng pamamaril, ayon kay Basketball Hall of Famer Shaquille O’Neal.

“The government should give law enforcement more money,” pahayag ni O’neal sa WABC Radio’s “Curtis and Cosby” show on Wednesday.

“Give more money, you recruit more people, and the guys that are not ready to go on the streets, you put them in front of the schools. You put ’em in front of the schools, you put ’em behind the schools, you put ’em inside the schools, and we need to pass information. … I would like to see police officers in schools, inner cities, private schools.”

Ginawa ni O’Neal ang pahayag sa gitna ng serye ng mga insidente sa US partikular sa Florida kung saan 17 ang nasawi sa shooting incident sa Parkland noong Pebrero.

Noon pa man ay nagpakita ng interes sa law enforcement si O’Neal at sumailalim na sa ilang police academy program at naging honary officer o reserve officer na rin ito ng ilang ahensiya sa US.

Noong Mayo, inihayag nitong planong niyang maging sheriff sa Georgia sa 2020.

Kontra naman si O’Neal, tubong Florida, sa panukalang ipagbawal ang mga automatic rifle sa US.

“There’s a lot of those weapons already on the streets,” saad ni O’Neal s. “So it’s not like, if you say, ‘OK, these weapons are banned,’ people are gonna go, ‘Oh man, let me turn it in.’ That’s definitely not going to happen.

“‘Cause once you ban ’em, now they’re going to become a collector’s item and you’re going to have people underground, and they were $2,000. … I’ll give you $9,000 for that gun. So, you know, we just need to keep our eyes open.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?