13

Mar 4, 2021 @ 14:52
By

‘Shaolin Soccer’ actor Ng Man-tat, pumanaw na

Pumanaw na si Hong Kong actor Ng Man-tat matapos magkaroon ng liver cancer sa edad na 70.

Sambit ni Tenky Tin Kai-man, tagapangulo ng Federation of Hong Kong Filmmakers, namaalam na ang ‘Shaolin Soccer’ star sa Wai’s Union Hospital habang kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Nito lamang Pebrero 20 nang dalhin sa naturang ospital si Ng.

Bukod sa “Shaolin Soccer,” lumitaw din ang aktor sa “Fight Back to School,” “All for the Winner” at “Love on Delivery.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?