8

By

Shanti Dope may collaboration sa American pop singer Sabrina Carpenter

Sharing is caring!

NA-INVADE na ng rapper artist na si Shanti Dope ang international music.

Ngayon pa lang halos nakikilala si Shanti bilang mahusay rapper. Mula nang i-guest siya ni Vice Ganda sa show nitong Gandang Gabi Vice nagkasunud-sunod na ang guesting niya sa iba’t ibang TV show.

Last Friday na-surprise ang mga fans ni Shanti nang malaman nilang may collaboration sa American pop singer na si Sabrina Carpenter ang rapper.

Nag-share ang MCA Music sa kanilang Facebook ng latest version ni Carpenter ng latest single niyang “Almost Love.” Darating dito sa bansa this month ang pop singer.

Sa original version ng Almost Love ay walang si Shanti, pero sa latest na pinostng MCA ay kasama na ang rapper kung saan nagra-rap siya ng Tagalog verses.

Ang collaboration ni Shanti at Carpenter ay mapapanood sa series ng kanilang mall shows sa Metro Manila sa August 24-26.

Hindi lang si Carpenter ang mako-collaborate ng “Nadarang” (ang hit niyang rap song) rapper kundi iba pang international singer. Like American rapper Krayzie Bone ng Bone Thugs-N-Harmony na magkakaroon ng concert dito sa ‘Pinas sa Sept.6.

Ayon sa batambatang rapper, nagpapasalamat siya dahil sa blessings na dumarating sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?