1,516

Nov 24, 2021 @ 18:20
By

‘Shanchai’ hiwalay na sa yayamaning mister

Nag-file ng diborsiyo laban sa kanyang Chinese husband si Taiwanese actress Barbie Hsu, na nakilala bilang Shanchai sa hit series na “Meteor Garden”.

Ayon sa report ng Taiwan News, matapos ang sampung taon nilang pagsasama, gusto nang makipaghiwalay ni Hsu sa yayamaning asawa na si Wang Xiaofei.

Paghahatian umano ng mag-asawa ang may US$34 million ari-arian, kabilang ang hotel ni Wang pati na child custody and support.

Batay naman sa ulat ng Apple Daily, isang kaibigan ni Hsu ang nagsabing tatlong dahilan kaya nagdesisyon ang aktres na makipag-divorce kay Wang.

Una na rito ang pagkakaiba nila ng values. Madalas din daw magkahiwalay ang mag-asawa — si Hsu ay naninirahan sa Taipei habang ang kanyang asawa ay madalas magtungo sa China.

Pangatlo, madalas din umanong mag-post sa social media si Wang ng pagtuligsa laban sa Taiwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?