35

Sep 12, 2021 @ 10:13
By

Shamcey Supsup dinaig COVID

Nakarekober na si Shamcey Supsup sa COVID-19.

Pagbahahagi niya sa kanyang Instagram post nitong Sabado, tatlong linggo na ang nakalilipas nang masapol siya ng virus.

Kwento niya, nang una raw ay inakala niyang flu lang ang kanyang nararamdaman.

“A few weeks ago, what we all thought was just a simple flu turned out to be covid,” caption ng 2011 Miss Universe Philippines.

Aniya, nagulat sila nang malamang COVID-19 pala ito dahil fully vaccinated naman siya.

Saad pa niya, “mild to moderate symptoms” ang kanyang naramdaman.

Nawalan din umano siya ng pang-amoy at panlasa.

“I would describe it as a really really bad flu. It was also the first time that I’ve experienced a total loss of smell and taste,” kwento niya.

“Lucky enough, we were able to get better at home. Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nagsisilbing national director ng Miss Universe Philippines si Shamcey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?