53
shamcey

Shamcey, 4-buwang buntis!

Sharing is caring!

Bagong blessing umano ang dadating sa pamilya ni 2011 Miss Universe third runner up na si Shamcey Supsup-Lee.

Inanunsiyo kasi ni Shamcey na apat na buwan siyang buntis na ikalawang anak na nila ng mister na si Lloyd Lee.

Kuwento ni Shamcey, hindi tulad ng nauna niyang pagbubuntis noong 2015, mas madali na raw ngayon ang sitwasyon ng beauty queen.

Pero mas lagi raw siyang gutom ngayon kumpara noong ipinagbubuntis niya ang una nilang anak na si Nyke, na 2-anyos pa lang ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?