312
shaina
Apr 25, 2018 @ 20:29
By

Shaina hirap ibuka ang bibig dahil kay Piolo

Up to now ay wala pa ring inaamin si Shaina Magdayao tungkol sa kanilang dalawa ni Piolo Pascual kahit hindi pa rin matigil-tigil ang tsismis sa kanilang dalawa. Sa presscon ng pelikulang Single/Single, Love Is Not Enough na movie nila ni Matteo Guidicelli, inamin ng kapatid ni Vina Morales na single nga siya ng mahabang panahon by choice.

Naka-focus daw talaga siya sa kanyang career kaya hindi na muna niya iniisip ang tungkol sa lovelife. Kahit sinabi pang boto si Vina kay Papa P., pero deadma at pangiti-ngiti lang ang Kapamilya actress.

Wala ka talagang mahugot na statement sa kanya na tipong mabibigyan ng mas espesyal na kahulugan ang kanyang sasabihin tungkol sa most-eligible bachelor sa showbiz.

Ang tanging nabanggit niya ay very close pa rin sila as friends, and Piolo nga raw is such a wonderful person. Hanggang dun lang talaga, and end na ng tsikahan blues.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?