15

By

Shabu, taya sa cara y cruz

Sharing is caring!

Magkahalong pera at shabu ang pinaniniwalaang taya sa pagsusugal ng cara y cruz sa Barangay San Dionisio sa Parañaque City.

Sa ulat ng Southern Police District, alas-dos ng madaling-araw nang mabulabog ng mga pulis ang mga nagsusugal sa A. Bonifacio St., base sa sumbong ng isang residente.

Nagawang makatakas ng mga nagsusugal maliban sa isang 70-anyos na lolo na dahil sa katandaan ay hindi na nagawang makatakbo.

Kinilala ang naaresto na si Leonides Cruz, residente ng lugar.

Naiwan naman ng mga nagsusugal ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at taya na aabot sa P65.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?