shabu4
By

Shabu sa unan, nabuko sa NAIA

Sharing is caring!

Nakumpiska ng Bureau of Customs-NAIA ang higit sa dalawang kilo ng imported na shabu na nagkakahalaga ng higit P11 milyon.

Sinabi ni Customs Comm. Isidro Lapena inilagay ang mga droga sa medicine cabinet at unan.

Aniya ang unang shipment ng higit dalawang kilo ng shabu ay galing sa isang Stephanie Morse at nakapangalan sa isang Joey Cuenca ng Imus, Cavite.

Dumating ito noong Abril 27.

Ang pangalawang shipment naman na 344 gramo ng shabu ay mula isang Audio Schit at para kay Susano Trinidad, ng Quezon City, ay dumating sa NAIA noong Abril 23.

Ang dalawang shipments ay mula sa California, US.

Nabukod ang mga ito sa pamamagitan ng xray machines at drug sniffing dogs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?