40

Jan 13, 2022 @ 22:16
By

Shabu sa mga saging buking

Nabisto ang ilang pakete ng shabu na itinago sa mga saging.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang shabu sa mga saging pasado alas-tres ng hapon sa Davao City Jail-Annex kahapon, January 12.

Limang pakete ng shabu ang nabuking na nagkakahalaga umano ng P45,000.

Iniimbestigahan pa kung sino ang nag-iwan ng mga saging sa isinagawang pag-iinspeksyon sa kulungan at kung sino ang pagbibigyan sana nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: