85
ABANTE-TNT-huli-shabu
Dec 27, 2017 @ 9:51
By

Shabu queen, 1 pa huli sa buy-bust sa Bulacan

Isang 44-anyos na misis na tinaguriang shabu queen at kaniyang kasabuwat na tulak ang kapwa nadakip ng awtoridad makaraang makumpiskahan ng ilang pakete ng shabu nang kumagat sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Bayugo, Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ni Police Superintendent Lorenzo Kim C. Cobre, Meycauayan City police chief, ang nasakoteng sina Ma. Annielyn Giroy y Reyes alyas ‘Jennifer’, 44, may asawa, vendor, at Erol Piraman y Abragan, 31, may live-in partner, electrician, at kapwa nakatira sa Block 1, Ph-2, Northville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City, na nakapiit ngayon matapos makumpiskahan ng pitong pakete ng shabu at marked money.

Dakong alas-8:19 ng umaga, mismong Araw ng Pasko, nang magsagawa ng buy-bust operation ang Meycauayan City police sa Brgy. Bayugo ng naturang lungsod, matapos makakuha ng impormasyong nagbebenta ng shabu ang dalawang suspek sa lugar kaya kaagad silang nagkasa ng operasyon.

Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang magbenta ng isang pakete ng shabu sa poseur-buyer at nang kapkapan at nakuha pa ang panibagong anim na pakete ng droga kaya kaagad na dinala ang dalawang suspek at ebidensiya sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office sa Malolos City para sa laboratory examination habang inihahanda na ang kasong kriminal sa dalawang naaresto. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?