Shabu pAsay
By

Shabu, nakuha sa lalaking nagwala sa Tondo

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang tambay na lalaki matapos magwala at maghamon ng away sa mga dumadaang tao sa Tondo, Manila, madaling-araw ng Martes.

Batay sa imbestigasyon ng Moriones-Tondo Police Station(PS-2), habang nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga elemento ng Bambang outposts, namataan nila ang suspek na si Rene Orsolino, 40-anyos, na nagsisisigaw habang may hawak na patalim.

Lahat umano ng mga dumadaan sa Bambang kanto ng Yakal Sts., Tondo ay hinahamon ng away ng suspek.

Dahil dito dinakma ng mga pulis ang suspek kung saan nabawi sa kanya ang kutsilyo at nang kapkapan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet ng shabu.

Kasong illegal possession of deadly weapon at illegal drugs ang kinakaharap ng suspek na nakapiit na sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?