115

May 18, 2019 @ 19:19
By

Shabu na isinilid sa instant noodles, nabuking sa bilangguan

Hindi umubra ang taktika ng isang ina at babaeng kasama nito matapos mabuking ang anim na sachet ng shabu na inilagay nila sa pakete ng instant noodles para maipuslit sa Angono Municipal Police Station, sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ayon sa report, para sana sa anak ni Divina Dizon, 52, na nasa bilangguan ang mga shabu.

Kasama ni Dizon na nadakip ang kasabwat nitong si Marimar Santos, 21.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?