22

Jan 13, 2022 @ 11:48
By

Shabu, marijuana na ipinuslit sa padala nasamsam sa Pampanga

Nasamsam ang sangkatutak na hinihinalang shabu at marijuana sa loob ng isang package na ipinadala sa Clark, Pampanga.

Ayon sa awtoridad, nagmula pang Nevada sa Estados Unidos ang package, at idineklara pa itong mga panulat kagaya ng marker.

Ngunit, nadiskubre ito ng mga K-9 sweeping team matapos maamoy na naglalaman ito ng iligal na droga.

Nagkakahalagang P90,000 ang mga nakuhang hinihinalang shabu at liquid marijuana.

Samantala, kinasuhan na ang tumanggap ng padala dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?