102
shabu-lab
By

Shabu lab sinalakay sa San Juan

Sharing is caring!

Isang shabu laboratory ang sinalakay ng San Juan Police matapos makatanggap ng sumbong kaugnay sa umaalingasaw na amoy ng kemikal kaninang umaga sa North Greenhills Subdivision, San Juan.

Ayon kay San Juan Police Chief PS/Supt. Dindo Reyes, isinagawa ang raid bandang alas-7:30 ng umaga ng Huwebes dala ang search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Branch 152 ng Pasig City Regional Trial Court sa 5 Arthur Street, North Greenhills.

Mabilis na napasok ng mga pulis ang bahay subalit nadatnan nilang walang tao sa bahay at tumambad sa kanila ang ilang gamit sa paggawa ng droga at isang container na may lamang pinatutuyong shabu, mga kemikal sa paggawa ng shabu at iba’t ibang aparato at equipment.

Ani Reyes, iniimbestigahan na ng SOCO ang nasabat na droga na masasabing mataas na uri ng shabu habang inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari ng shabu laboratory at kung sino ang umuupa sa nasabing bahay.

Matatandaang, una nang inaresto ng mga awtoridad sa Pasig City ang isang Korean chemist na si Kim Jeong Hi at kasama nitong si Marvin Yu, na kapwa nahulihan ng nasa P4 milyon na halaga ng shabu at mga gamit sa paggawa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }