By

Shabu lab sa Novaliches, sinalakay

Sharing is caring!

Ni-raid ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang apartment na hinihinalang ginamit na shabu laboratory ng mga Chinese national sa Novaliches, Quezon City kahapon ng hapon.

Dakong alas-12:30 ng hapon nang madiskubre ang sinasabing shabu lab sa Rillo Compound, Unit 16, King Christopher cor., King David Kingspoint Subd., Brgy. Bagbag, Novaliches ng nasabing lungsod.

Agad na bumuo ng raiding team ang QCPD, at nagsagawa ng pagsalakay sa tulong ng mga nag-report sa awtoridad na mga sibilyan.

Ayon sa pulisya, ini-report ng mga caretaker ng apartment na nirentahan umano ng mga Chinese na nakilala lamang na alyas King Lee, at isang babaeng Chinese subalit nalaman na lamang nilang pitong buwan na itong inabandona at hindi na rin binayaran ang renta.

Sa tulong ng mga caretaker, puwersahang binuksan ng mga awtoridad ang pintuan ng apartment at doon ay bumungad sa kanila ang mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng iligal na droga.

Nakatakdang i-turn over ang mga nakumpiskang kagamitan at kemikal sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Unit para sa proper disposition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?