101
shabu5
Jul 30, 2018 @ 13:39
By

Shabu inilalako sa kalsada, babae tiklo

Buking ang garapalang pagbebenta ng iligal na droga ng isang babaeng tulak matapos makipagtransaksyon sa kalsada at isumbong ng isang concerned citizen kahapon sa Sheridan Ext., Mandaluyong City.

Nakilala ang babaeng tulak na si Josephine San Luis, 37, walang trabaho at pagtutulak ang ikinabubuhay at residente ng No. 289 Sampaguita St., Cembo, Makati City.

Batay sa report, naganap ang insidente alas-10:50 ng umaga sa kahabaan ng Sheridan Ext. sakop ng Barangay Buayang Baton.

Isinumbong ang suspek ng isang ginang sa Mandaluyong Police Station 3.

Agad namang nagresponde sina PO2 Albert Buenavente at PO1 Jasmin dela Cuesta at dito na naaktuhan ang garapalang pagbebenta ng suspek ng shabu na hawak pa ang isang sachet ng iligal na droga at inilalako sa kalsada.

Na-trap ang suspek at dinala na sa Mandaluyong Police para sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?