27

By

Shabu, cellphone naipuslit sa QC jail

Pinaiimbestigahan na ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-National Capital Regional Director, Jail Chief Supt. Ignacio Panti kung paano nalusutan ng iligal na droga ang mga nagbabantay sa Quezon City Jail nitong Sabado.

Ito’y makaraang masamsam sa kubol ng inmate na si Bendict Tan Tiu ang isang berdeng pouch, isang unit ng Huawei cellphone, headset, improvised tooter na may bakas ng shabu at dalawang sachet ng shabu.

Nang may makapag-tip ay agad na pinag-utos ni QC Jail Warden Supt. Fermin Enriquez ang pagsasagawa ng sorpresang inspeksyon sa loob ng mga piitan.

Inaalam na rin ng warden kung paano naipuslit ang mga droga sa bilangguan at kung sino ang nagbabantay na mga jailguard na posibleng naging kasabwat ng nasabing negosyanteng preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?