86

Dec 30, 2019 @ 18:19
By

Sey ni Janine kay Bong pinaburan ni Jasmine

“Wala akong masabi, maybe just, ‘I second you, Janine.’ Ganon na lang,” – ang nasabi ni aktres Jasmine Curtis-Smith tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Senador Bong Revilla.

Naging maugong ang “Oh God” comment ni Janine Gutierrez sa nasabing comeback ni Bong, na umani ng pambabatikos mula sa talent manager ng huli na si Lolit Solis.

“Let’s prioritize the stories we want to tell the people, (and who) we want to put up on the stage and showcase,” sabi pa ni Jasmine sa panayam sa PUSH nitong katatapos lang na 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars.

“Because ang mga taong nilalagay natin sa mga entabladong ‘yan, hindi lang sila entertainment, but also they are source of inspiration, so I think when it comes to choosing a cast, or stories to tell, we should be a bit more sensitive nowadays,” wika pa niya.

Unang inanunsiyo ng GMA Network na magka-comeback si Revilla sa 2020 TV show nitong “Agimat ng Agila.”

2014 pa ito huling lumabas sa TV, matapos maditene nang apat na taon sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame dahil sa mga kasong plunder hanggang napawalang-sala siya ng Sandiganbayan nitong Disyembre 2018 at manalo sa pagka-senador sa 2019 halalan nitong Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?