71

Jun 24, 2022 @ 17:52
By

Sey mo, Enrique? James inamin ‘true fan’ ni Liza

Nagulat ang mga netizen nang ianunsyo ni James Reid na isa na sa kanyang bagong talent sa Careless Music ay ang aktres na si Liza Soberano.

Ayon kay James, hindi niya umano inaasahan na isa si Liza sa kanyang mga iha-handle.

“We were in the same league, but I never expected that things would be going what we have now until I started to manage myself,” pahayag ni James sa PEP.ph.

Aniya, prayoridad umano nila ngayon ang mga bagay na gustong matupad ni Liza sa kanyang bagong tatahaking career.

Marami kasi ang nagsasabi na bagay ang dalawa na magsama sa isang proyekto.

“Nothing is off the table right now, but we wanted to, of course, push for what Liza wants the most,” wika pa nito.

Sey pa ni James: “For Hope, just like me when I first left [my former management] and start managing myself, all I can say is have faith.

“I’m a true fan of Liza. Have faith on the decision that she’s making. It’s looking bright for me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?