138

May 12, 2022 @ 17:17
By

Sey mo Andrea? Ricci nagkalat, pinutakte ng basher

Trending sa maling dahilan si UP Fighting Maroons guard Ricci Rivero nitong Miyerkoles matapos mapakamot ng ulo ang mga fan sa kanyang ginawa sa huling possession sa game two ng UAAP Finals.

Sa game two ng finals nitong Miyerkoles, lamang ang Ateneo Blue Eagles, 69-65, sa huling 17 segundo.

Ngunit imbis na bilisan ang pag-iskor sa sumunod na possession, tila takbong mayaman pa si Rivero at nagsayang ng oras sa kaka-dribble hanggang sa makakuha ng foul – ngunit 2 segundo na lang ang nasa orasan at wala nang tsansa ang UP.

Kaya naman, naitakas ng Ateneo ang 69-66 panalo at magkakaroon pa ng game three ang serye.

Pinutakte ng mga basher si Rivero.

“Ricci rivero greatest atenean basketball player of all time,” ain @kaylathegreat88.

“Ricci stop trying to impress your girlfriend because it can affect you, your teammates, your coach, and the UP community. I’m disappointed,” wika ni @Diwata13579.

“Ricci Rivero has some of the lowest basketball IQ I’ve seen from a Filipino player lmaoooooo,” wika ni @JoeVirayNBA.

Sa kabila nito, dinepensahan ni UP coach Goldwin Monteverde ang pagkakamali ni Rivero.

“I think mali namin yun sa aming coaches. We should have reminded him about that situation,” wika ni Monteverde. “Hindi naman kay Ricci yun, but rather, I see it as a part na dapat sa amin nanggaling yung tungkol sa clock. We should have reminded him na yung oras, yung score.” (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?