75

Sep 21, 2021 @ 13:49
By

Sey mo Aljur? Vin Abrenica, misis masaya buhay pamilya

Hindi tulad ni Aljur Abrenica, mukhang isang mabuting family man ang kanyang utol na si Vin.

Nito lamang nakaraang Linggo nang ibinahagi ng aktor at kanyang partner na si Sophie Albert ang ilang pasilip sa naging binyag ng kanilang six-month-old baby girl na si Avianna Celeste.

“After getting rescheduled so many times, we were finally able to have Avianna baptized! As much as we wanted all her godparents to be present, we had to keep our gathering very intimate for everyone’s safety. We were happy that we were able to introduce Avianna to more family members this time around,” sey sa caption ng kanilang video.

Ayon sa ulat, tanging mga miyembro lang ng kanilang pamilya at ilang kaibigan ang dumalo sa binyagan.

Nito lamang Marso nang isilang ni Sophie ang kanilang unang dyunakis ni Vin. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?