1,219

Oct 10, 2017 @ 11:06

Sexy photo ni Daniel Matsunaga nambulabog sa soc-med

Muling nabuhay ang natutulog nang dugo ng mga fans ni Daniel Matsunaga sa magkakasunod na photo posting ng Brazilian model-turned actor na si Daniel Matsunaga.

Biglang nabulabog ang mga fans at followings ng actor-model sa Instagram dahil sa kanyang latest pasabog.

Paano ba naman, nag-post nang larawan niya si Daniel sa Instagram account niya na halos hubo na.

Parang noong nagsisimula pa lang si Daniel bilang modelo sa Pinas ang naging peg nito sa mga pinoste niyang photos in grey&white.

Walang saplot si Daniel pangitaas si Daniel, nakasuot lang ng underwear at bukol na bukol ang kanyang pagkalalake. Dagdag pang nagmumura ang kanyang mga abs.

May kinalaman ang pagbalik ni Daniel sa sexy modeling para sa bagong ini-endorsong product line.

Tatlo ang mga sexy photos ni Daniel sa kanyang IG gallery wall na may pare-parehong caption na,

@dandanmatsunaga, “happy to share to you some of the outtakes taken during my latest photoshoot for (name ng product line na may cosmetic line din) new campaign.  Coming soon nap o.”

Unang photo pa lang na pinoste ni Daniel na nakatayo siya habang hawak niya ang pader nang naka-underwear humakot na ito ng maraming comments.

@puaokalani_makana, “Dammm so nice”

@klayr26, “Susmaryosep”

@kionguard, “Ang sarap po. More please.”

Ang ikalawang photo naman ay nakahiga ang Kapamilya actor sa sofa at natatakpan lang ng white sheet ang kanyang harap.

@red_butterfly_81, “ang init grabe!”

@venuuush, “lucky towel.”

Ang sumunod ay nakatayo at nakaharap na sa kamera si Daniel habang naka-underwear ang nakabalandra ang kanyang bukol at abs.

@cool_mami “@misyelee, 2 kalderong kanin na sis, baka kulangin ang isa hahaha!”

@supergee143, “yay, #kaloka @dandanmatsunaga”.

Sa ganda nang physique ni Daniel at sa tamang lokasyon ng kanyang mga muscles at abs, walang dudang pinaghandaan niya ang pictorial na ito.

Kapansin-pansin laman ang pagbanggit ng isang following ng Brazilian ng pangalang Karolina Pisarek na siya raw ngayon kasintahan ng una.

@imheretez, “@wenz9181, sorry paga-ari na siya ni @karolina_pisarek.”

Naging sentro ng comments thread ang tungkol dito na ikinainis nang ilang mga fans ni Daniel lalo’t ilang beses raw nabanggit ang pangalan ni Karolina Pisarek.

Nong i-search namin sa IG ang pangalan ni Karolina, lumabas na ito ay isang modelo na nakabased sa Athens Greece.

Hindi nilinaw nang ni @imheretez kung paanong nagkaroon ng connect at relasyon sina Daniel at nang lady model.

Walang direktang komento si Daniel na nagpapakilala kay Karolina at kung ano ito sa buhay niya sa ngayon.  Kahit nabanggit sa mga nakaraang interview nang modelo ay wala pang lumalabas.

Iritada lang ang ibang mga fans sa pagsawsaw sa comments thread nila sa IG ni Daniel, nang pangalang Karolina Pisarek dahil ang ilan sa mga ito ay umaasang magkakabalikan pa sina Erich at ang aktor. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?