41

By

Sexual harassment sa mga kandidata ng Miss Earth pinasusuri ni Hontiveros

Sharing is caring!

Pinasusuri ni Senador Risa Hontiveros ang isyu ng sexual harassment na dinanas umano sa mga kandidata ng Miss Earth 2018.

Sa kaniyang ipinasang Senate Resolution 932 sinabi ni Hontiveros sa mga Senate leader na dapat magtalaga ang Senado ng akmang komite na magsasagawa ng inquiry sa insidente.

Saad pa ni Hontiveros hindi dapat tino-tolerate ang usapin ng sexual harassment at violence.

“Sexual harassment has no place anywhere, especially in a pageant that claims to uphold the value and power of women. At a time when women and girls are battered by rape jokes, sexual violence, and sex for freedom cases, it is imperative that sexual harassment of any kind, shape or form be brought out into the open,” pagdidiin ni Hontiveros.

Tatlong Ms. Earth candidate ang nag-salita tungkol sa sexual harassment na ginawa umano ng isang Amado Cruz na sponsor ng naturang pageant.

Para kay Hontiveros, ang nangyaring insidente ay parehong responsibilidad umano ng harasser at ng organizer ng event dahil nakapagtataka umanong sakabila ng mga alegasyon ay nagawa pa ring makapunta sa mga succeeding event ang naturang sponsor.

‘’This shows disregard for their welfare and a flippant attitude towards the handling of this case. This cannot be allowed to pass un-addressed. This inquiry seeks to shed light on the true events of the case, and to aid in the future protection of women from sexual harassment. No woman should ever be a victim, whatever country they come from,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }