481

Sep 18, 2021 @ 22:19
By

‘Sexperiment’: Binata pinasok USB cable sa ari

Dumaan sa matinding operasyon ang isang 15-anyos na binata sa UK matapos ipasok ang isang USB cable sa kanyang ari.

Hindi na pinangalanan pa ang kawawang binata, na dahil lang umano sa kuryosidad ay ginawa ang nakapandidiring ‘sexperiment.’

Lumabas sa mga pagsusuri ng mga doktor na nagmistulang karagdagang daanan ng ihi ang USB cable na nagpaikot-ikot na sa scrotum ng binata.

Matapos ang masusing operasyon, maayos naman ang kalagayan ng biktima.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang ganitong klaseng gawain ay maaaring dulot ng kuryosidad, intoxication at mga mental disorder gaya ng borderline, schizoaffective at bipolar personality disorder.

Ngunit wala naman daw mental disorder ang binata at malusog din ang pangangatawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,