1,060

Dec 17, 2017 @ 14:34
By

Sexiness ni Maxine Medina di kayang talbugan sa IG

Nakakabilid ang confidence ni Maxine Medina na ipakita ang kanyang kaseksihan, sa anumang okasyon, sitwasyon, lugar, kasuotan at kung anu-ano pa.

Wala siyang pakialam kung sa hindi sinasadya naipakita niya ang kanyang natural assets na nag-represent ng Pinas sa Miss Universe nong 2016.

Ilang beses na naming pinuri ang kaseksihan ni Maxine na tunay namang kanasa-nasa sa mata ng mga kalalakihan.

Kamakailan lang pinoste ni Maxine ang pictorial shot niya sa Bench nang naka-two piece bikini.

Sa photo naka-emote si Maxine na hawak-hawak niya ang kanyang tyan na kahit hindi nakita ang kanyang waistline, sapat na ang dibdib at curves ng balakang nito para mapabilib ang isang lalakeng nakasilip ng larawang yun.

Pero kahit hindi naman naka-bikini o halos hubad si Maxine sa kanyang photo, nanatili pa rin ang kanyang alindog.

Gaya na lamang ng isang photo shot niya sa Instagram wall pa rin nya na kuha sa isang beach resort.

Naka-background lang kay Maxine ang panoramic view ng sunset habang naka-upo siya sa isang sanga ng puno.

Naka-maong high waist shorts at yellow bikini bra lang si Maxine sa photo na yun pero lumalabas pa rin ang alindog nya.

Hindi nakaya nang ganda ng sky-panoramic-view na takpan ang alindog ng beauty queen actress, na gaya nang lagi naming pinupuri sa kanya, ang malusog nyang dibdib at ang sexiness nang kanyang mga mata.

Parang isang batang tuwang-tuwa sa pagkaka-pose nya sa sanga ng punong kahoy si Maxine, na halos magsara ang singkit niyang mga mata sa happiness na yun.

Yung pinaghalong happiness at sexiness ay isa nang nakakapag-palapot nang imahinasyon ng isang lalake sa pinapangarap nilang makapiling ang isang Maxine Medina. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?