2,266

Jul 17, 2019 @ 21:59
By

Sexbomb Sheena, nilinaw na hindi siya ang nahuli sa Laguna buy-bust

Sa kanyang Instagram, sinabi ni dating Sexbomb member Sheena Flores de Castro na hindi siya ang “Sheena” na naaresto sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna nitong Miyerkoles.

Tinawanan ni Sheena ang mga gumamit ng kaniyang larawan at nagbalita tungkol sa pagkaaresto niya dahil sa iligal na droga.

“There are articles floating around about me getting arrested for illegal drugs in the Philippines and it’s not true,” saad ni De Castro.

Nakasaad sa kanyang IG na isa nang flight attendant at nakabase sa ibang bansa si De Castro.

Sa mga ulat, naaresto ang tatlong tulak Martes ng gabi kung saan kasama si Sheena Joana Rono Uypico, na dati umanong miyembro ng Sexbomb.

 

 

 

 



Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?