1,379

By

Sexbomb member nakarelasyon ni Coco Martin

Naging guests sa “Gandang Gabi Vice” ang original na mga miyembro ng Sexbomb Girls.

Sa naging panayam ni Vice Ganda sa Sexbomb Girls, nadiskubre niya na isa sa mga miyembro nito ang nagkaroon ng romantic relationship sa kaibigan niyang si Coco Martin.

May romantic past umano sina Che-Che Tolentino at Coco dahil naging cast noon ang huli ng Daisy Siete.

View this post on Instagram

Nung mga panahong… 😅 #hubby #daisysiete #bagets #sb #luma #single #photobomb #photobomber #epic

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

“May something kayo ni Coco dati?” tanong ni Vice kay Mia Pangyarihan, na siyang ka-love team noon ni Coco sa Daisy Siete.

“Hindi ako e,” sagot ni Mia.

Nabaling ang tanong kay Che-Che.

“Ikaw, Che-Che?! Ang taray ni Cheche, eh di sana Che-Che Martin ka ngayon! Ikaw pala ang matagal na naming hinahanap na ‘Probinsyana,’” ani Vice na ikinahalakhak ng audience.

Panoorin dito ang kuwelang eksena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?