1,985

Nov 21, 2019 @ 20:49
By

Sex video ni De Lima, inungkat muli ni Duterte

Kasabay ng pagsasabing guilty sa drug-related charges si Senadora Leila de Lima, muling binuklat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y sex video ng mambabatas.

Ani Duterte, anong klaseng babae raw si De Lima na pumayag na ipa-video ang pakikipagtalik nito sa dating driver na si Ronnie Dayan, na umano’y tagakolekta ng senadora ng drug money noong 2016.

“She allowed herself to be filmed having sexual intercourse with her driver, who was the collector. And that picture has been making the rounds. You saw it all. Can you really believe a woman like that?” wika ng Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo, maging siya ay may kopya ng nabanggit na sex video.

“She was then the justice secretary. If you want, I’ll give the disc to you. Look at the way she slurped after doing it and her favorite doggy was walking around [the room]. Maybe she’ll tell us those are fake. Well, she can submit it to any expert if she wants,” wika pa ng Presidente.

Nauna nang itinanggi ni De Lima na siya ang nasa sex video maging ang pangingikil ng pera mula sa mga inmate at sinabing paghihiganti lang ito ng Pangulo dahil sa ikinasa niyang Senate investigation laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?