688

Dec 9, 2021 @ 17:33
By

Sex sa kabit hindi malala – Pope Francis

Kung magkakaroon umano ng ranggo ang tinatawag na ‘seven deadly sins,’ mas mababa ang ranggo ng kasalanang lust, ayon kay Pope Francis.

Sa ulat ng New York Post, tinanong ang Santo Papa kung ano ang masasabi niya sa mga kasalanang pagtatalik nang hindi pa kasal at pakikipagtalik sa hindi pa asawa.

“Sins of the flesh are not the most serious,” pahayag ni Pope Francis.

Dagdag pa ng Santo Papa, ang mas malalang kasalanan kung ikukumpara sa lust o kalibugan, ito ay ang pride at hatred o wrath.

Ang iba pang nakalista sa seven deadly sins ay greed, envy, gluttony at sloth.

Nilinaw din ng Santo Papa na nagkasala ang Paris archbishop na si Michel Aupetit nang mapabalitang nagkaroon ito ng relasyon sa isang babae. Ngunit hindi rin umano ganon kalala ang kasalanang ito.

“It was a failing against the sixth commandment (You shall not commit adultery) but not a total one, one of small caresses, massage given to his secretary — that is what the accusation is,” ani Pope Francis. “There is a sin there but not the worst kind.”

Nagresign na rin si Aupetit sa kanyang position sa simbahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?