758

Dec 19, 2017 @ 11:46
By

Same-sex marriage, malabo pa sa Pilipinas – Roman

Aminado si Bataan Rep. Geraldine Roman na hindi pa handa ang Kongreso para sa same-sex marriage sa Pilipinas.

Ayon kay Roman, marami sa mga kapwa nya kongresista ang naniniwala na ang pagpapakasal ay isang institusyon na may religious connotations.

Ito aniya ang dahilan kaya ang isinusulong ng lesbian, gay, bisexual, transgeder (LGBT) community ay ang Civil Partnership Bill na mas may tsansang maaprubahan.

“What we are interested in is the legal recognition and the civil rights attached to it, bearing in mind what is plausible at this point in time and without offending religious sensibilities,” ani Roman.

Sa ilalim ng Civil Partnership Bill na iniakda mismo ni Speaker Pantaleon Alvarez, kikilalanon ng estado ang lahat nang relasyon, magkapareho man ng kasarian o hindi.

Natuwa naman ang LGBT community sa suporta sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Roman, ipinapakita lamang ng pangulo na nais nito ng pantay na karapatan para sa lahat ng Pilipino. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?