47

Nov 23, 2021 @ 15:23
By

Sex lubricant usong pampaganda

Sa TikTok, naging multipurpose ang pampadulas para sa sex.

Beauty trend ngayon sa social media app ang lubricant bilang make-up primer.

Habang sinusulat ito ay mahigit 7.1 million views na ang hashtag na #lubeprimer.

Ilan sa creator na ipinakita kung paanong “nakakaganda” ang pampadulas ay si Sean Anthony, na gumamit ng sikat na Durex lube bilang make-up primer.

Sa video, makikitang takot pa si Sean na subukan sa kanyang mukha ang lubricant ngunit nang ilagay ito ay hindi niya maipaliwanag ang naramdamang sarap at kung paano nito napa-glow ang kanyang mukha.

“My makeup looks so good… I’m absolutely speechless,” nasambit niya.

@seananthonyv

who else is excited for the holidays? ✨ #seananthony #makeup #beauty #viralmakeup #makeupfyp #beautytips #SephoraGiftList #makeuptutorial

♬ Monkeys Spinning Monkeys – Kevin MacLeod

Sa Vogue report, sinabi ng board-certified dermatologist na si Stacy Chimento, na ang castor oil na nasa lubricant ay nakakalambot ng balat at pores.

“It can act as a humectant, which helps to draw water into the skin to provide moisturization,” aniya.

Sa kabila nito, ang pagiging “thick nature” ng lubricant ay maaaring bumara sa mga pores na hindi mainam para sa mga pasyenteng acne-prone.

Dagdag pa niya, ang castor oil kapag inilagay sa balat ay posibleng maka-attract ng bakterya at dumi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?