24

Jan 11, 2021 @ 21:57
By

‘Sex and the City’ balik telebisyon

Mapapanood muli ang hit American sitcom na “Sex and the City”, 17 taon makalipas ang huling episode nito.

Ayon sa HBO Max, may pamagat ang reboot na “And Just Like That…”.

Magbabalik ang tatlo sa apat na orihinal na bida ng show na sina Sarah Jessica Parker, Cynthia Nixon at Kristin Davis sa mga role na Carrie, Miranda at Charlotte.

Hindi na kasama sa rebooted series ang gumanap na Samantha sa original show na si Kim Cattrall.

Sa 10-episode series ay ipapakita ang naging buhay nina Carrie, Miranda at Charlotte pagtuntong nila sa edad na 50s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?