51

Sep 24, 2018 @ 17:13
By

Sevilla, Sanders mabagsik sa Defenders, Angara umalalay

Mga Laro sa Linggo

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – DOJ vs GSIS

3:30 p.m. – Ombudsman vs Agriculture

5 p.m. – Judiciary vs Malacañang-PSC

Nakasikwat ng panalo ang defending champion Senate at ang National Housing Authority kontra magkaibang kalaban para manguna sa kanilang grupo sa eliminations ng 7th UNTV Cup nitong weekend sa GSIS gym sa Pasay City.

Umalagwa sa third canto ang Senate Defenders para lampasuhin ang GSIS Furies, 78-51, sa Group A ng liga habang ang NHA Builders naman ay inalpasan ang PhilHealth Plus, 103-100, sa Group B.

Bitbit ng Defenders ang 32-27 na kalamangan sa halftime, umalagwa para iwan sa ere ang Furies sa tulong nina Garri Sevilla at Jeffrey Sanders para maitala ang 57-41 na kalamangan.

Walang naging problema ang Defenders dahil bukod kina Sevilla at Sanders nakapag-ambag na rin si Senador Sonny Angara sa tropa.

Tumpos si Sevilla ng 18 puntos habang sina Sanders at Angara naman ay may 10 at pitong puntos.

Sa kabilang laro naman, naging sandalan ng Builders sina Marvin Mercado, John Dizon at Michael Dizon para muling makabalik at makasikwat ng panalo kontra Plus.

Sa iba pang laro sa Group A, ang dating kampeon Philippine National Police Responders ay nakabawi sa una nitong talo nang pabagsakin nito ang PITC, 80-77.

Pinangunahan ni dating University of the East player Ollan Omiping ang Responders na may 23 puntos, habang may 16 puntos si Antonio Tolentino, Jr. at si Julius Criste naman ay may 15 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?