17

Jun 23, 2020 @ 16:56
By

Severino inuwi unang world chess champ ng ‘Pinas

Makasaysayan ang pagwawagi ni Sander Severino, ang pinakaunang world champion title ng Pilipinas sa larangan ng chess.

“‘Yung mga achievements na nagagagawa namin ng Philippine Para Chess team, gusto namin ma-inspire lahat talaga ng atletang may kapansanan na kaya natin magperform sa world stage,” aniya sa ulat ng GMA News.

Tinalo ng FIDE master na tubong Negros Occidental si Igor Yarmonov ng Ukraine, at nakamit ang titulo sa International Physically Disabled Chess Association Online World Championship.

Una nang nanalo ng world title si Filipino-American grandmaster Wesley So sa World Fischer Random Chess Championship, ngunit nirerepresenta niya na noon ang Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?