879

Feb 7, 2020 @ 19:17
By

Seventeen ayaw i-cover! GMA journalist sinopla ng mga K-Pop fan

Trending ang #ApologizetoSeventeenGMA matapos makuhanan sa camera ang pagsigaw ng isang journalist mula GMA-7 na sinabing ayaw mag-cover ng mga katulad na eksena nang pagdating ng mga K-Pop artist sa bansa.

Nitong Biyernes ng hapon ay dumating sa bansa ang K-Pop guroup na Seventeen sa Manila para sa kanilang concert na gaganapin bukas, February 8, sa Mall of Asia Arena.

Sa Twitter ay kumalat ang isang video kung saan isang babae ang sumigaw ng: “Kung ako lang, ayoko mag-cover ng mga ‘yan ano!”

Napag-alaman ng mga netizen na si GMA veteran journalist Marisol Abdurahman ang nagsambit nito, dahilan para punahin ito sa social media.


Naglabas na ng statement si Marisol at nag-sorry sa nasabi, nagpaliwanag na may masamang karanasan sa isang airport security personnel na tinulak umano siya nang malakas at tinatakpan ang lente ng kanilang camera.

“I can only imagine how upset the fans must have been for the careless words that I have uttered. Please know that I have no intention of hurting them,” ayon kay Abdurahman.

“Again, I am extending my sincerest apologies to the fans and I wish Seventeen a successful concert.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?