629

Mar 10, 2018 @ 17:54
By

Seth Rodriguez, swak sa sexiest volley player ng UAAP

Hindi lang ang husay sa pagpalo at galing ng taktika sa net ng bawat balibolista sa 80th UAAP 2017-2018 Women’s Indoor Volleyball Tournament ngayon ang napapansin ng fans.

Sa kategorya man ng tinatawag na millennials, kuyas, o ates, bagkus ang angking talento at ganda ng ilan ang mga kinahuhumalingan nang umiimbulog na pagsikat ng naturang larangan.

Ilan lang sa mga nagpapakitang-gilas at takaw-pansin sa kanila na puwedeng pam-beauty contest ay ang numero siyete na si Seth Marione Rodriguez ng University of the East Lady Warriors na pasok sa top sexiest volleyball player ng UAAP at Abante.

Iniidolo ng middle hitter na si Rodriguez na isang Caviteña ang sikat na artistang si Rhian Ramos dahil ito raw ay kaniyang kahawig.

Si Seth ay 19-anyos at ito na ang kaniyang ikalawang taon ng paglalaro sa Unibersidad ng Silangan, makaraang magtapos ng sekondarya sa Del Pilar Academy sa Imus City.

Ang 5-foot-11 na dalagitang si Rodriguez ay kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Tourism.

Kaya naman dumami ang fans dahil na rin sa kaniyang magandang mukha at pangangatawan at siya raw ang susunod na Rachel Anne Daquis ng UAAP ayon sa mga umiidolo sa kaniya.

Pumasok na rin sa isipan ng magandang dalagitang si Seth ang pagmomodelo kasabay ng pag-aaral at paglalaro nito.

“Maybe there’s a chance that I’ll get to play, study and model,” bulalas ni Rodriguez. “I always think that I should do well in my training, so I can do all three at the same time.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?