60

May 26, 2020 @ 20:01
By

Set ni Alyssa, dinakdak ni Kiefer!

Paniguradong pinagtagpo at tinadhana talaga ang dating haligi ng Ateneo na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.

Sa Instagram post ni Ravena, kumasa ang dalawa sa quarantine challenge kung saan dinakdak ni Kiefer ang volleyball set ni Aly.

“We tried our own thing #QuarantineChallenge #YouCantStopUs,” caption ng NLEX star.

Syempre ay sa dulo ng post ay mapa-kilig na ‘I love you’ si Kiefer sa volleybelle.

Inalaska naman ni UST high leaper Rhenz Abando si Ravena, na sinabing 1 week pa ang hihintayin bago muling makapag-dunk si ‘Manong’.

“Mga 1 week ulit manong bago maka dunk haha recover muna,” biro ni Abando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?