24

Mar 5, 2020 @ 18:09

Session sa Kamara nilalangaw

Tambak ang mga kumpol na dokumento habang bakante ang karamihan sa mga upuan sa Session Hall ng Batasang Pambansa Complex, kahit nagpapatuloy ang pagdinig ng Kamara.

Sa Batasan ginaganap ang mga pagdinig at pagpupulong ng House of Representatives sa bansa.

Ito ang matutunghayan sa larawang pinost ni Bayan Muna partylist Rep. Karlos Zarate kahapon, Marso 4, 2020, sa Facebook.

“YES, WE ARE STILL IN SESSION. 5:49 PM. 4 March 2020,” lahad ni Zarate.

Matatandaang hanggang Marso 11 na lang ang mga pagdinig sa 18th Congress dahil sa break ng nasa 303 mambabatas para sa Holy Week.

Samantala, dismayado ang mga netizen at sinabing sayang ang binabayad na buwis ng mga mamamayang Pinoy.

Allaine Tan: “takteng quorum nasan???HAHAHAHAHAH”

Cynthia Deduro: “Aguy, bakante”

Edgardo Tolosa: “NASAAN Ang mga TUTA na District at Fake Partylist Congressman na PINAPASWELDO ng mga NAGHIHIRAP na MAMAMAYANG PILIPINO”

Joshua Morales: “I am asking all the members of the Congress to be more responsible and competent legislators. Inihalal po kayo ng taumbayan bilang kanilang kinatawan. Huwag naman po sanang sayangin ang tiwala nila pati ang pinaghirapan nilang pera na malaking porsyento ay sa buwis napupunta.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?