157

Oct 19, 2018 @ 16:07
By

Serye ni Sylvia Sanchez wagi sa Asian Academy Awards

Muli na namang sumungkit ng award ang teleseryeng pinagbidahan ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez, ang ‘The Greatest Love’.

Nanalo kamakailan ang naturang Kapamilya TV series bilang Best Drama Series sa Asian Academy Awards.

Bukod sa maraming award at parangal ang nakamit ni Ms. Sylvia sa The Greatest Love, ang serye ring ito ang maituturing na turning point sa ilang dekadang showbiz career ng premyadong aktres. Dito kasi nagsimula ang lalong pagyabong ng kanyang career, na mula sa pagiging supporting status ay nagbida siya at nagtuloy-tuloy na ang paghataw sa mga sumunod pa niyang projects, sa TV man o pelikula.

Sa kanyang social media account, narito ang post ni Ms. Sylvia bilang reaction sa natamong bagong karangalan ng kanyang serye sa ABS CBN.

Nang usisain naman namin si Ms. Sylvia sa Facebook kung ano ang masasabi niya sa bagong award na nasungkit ng seryeng kanyang pinagbidahan, “Masaya at excited,” matipid na sagot ng pambatong BeauteDerm ambassadress.

Kabilang sa naungusan ng The Greatest Love ang entry ng Australia na A Place To Call Home (Foxtel); China, Burning Ice (IQIYI); Hongkong, My Very Short Marriage (HK Television); India, Sacred Games Season 1 (Phantom Films); Indonesia, The Publicist (Vlu Indonesia); Japan, Miss Sherlock (Hulu Japan); Korea, The Emperor: Owner of the Mask (Munhwa Broadcasting); Malaysia, Do(S)A (Astro); Singapore, The Teenage Psychic (HBO); at Chinese Taipe, Wake Up Season 2 (Taiwan Public Television).

Sa ngayon, balita namin ay abala ang ermat nina Arjo Atayde at Ria Atayde sa Cebu para sa shooting ng pelikulang ‘When Sadness Lingers’ kasama ang isa pang mahusay na actor na si Nonie Buencamino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?