62
arestado
Jan 3, 2018 @ 10:29
By

Service crew nanaksak ng 3 katao, arestado

Kasong three counts frustrated homicide ang kakaharapin ngayon ng isang service crew matapos nitong pagsasaksakin ang tatlong katao na iniulat kahapon sa Muntinlupa City.

Kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Muntinlupa City Police Station ang nadakip na suspek na si Fernando Dizon, 35, at naninirahan sa Brgy. Bayanan ng nasabing lungsod.

Habang agad namang naisugod sa Ospital ng Muntinlupa ang tatlong sugatan na nakilalang sina Lorenzo Miralles, 47; Reden Miralles, at Gabriel Alvarez, 22, pawang mga taga-Brgy. Bayanan ng naturang lungsod makaraang magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-tres ng madaling-araw sa No. 58 Purok 1, Block 8, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad ang mga biktima nang bigla na lamang silang kinompronta ng suspek.

Sa kasagsagan nang pagtatalo ng mga ito, bumunot ng patalim ang suspek at sabay na sinaksak ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, nabatid na may dati nang alitan ang mga biktima at suspek na ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang dahilan. (Armida Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?