72

By

Service crew bisto sa droga

Sharing is caring!

 

Buking ang isang 21-anyos na service crew matapos mabisto sa pagdadala ng iligal na droga sa pinagtatrabahuang fast food chain nang mapansin ng manager ang pagiging tulala nito sa Makati City.

Nakilala ang suspek na si Berjer Despabiladeras , binata, residente ng Salud at F.B. Harrison Streets, Barangay 4, Pasay City.

Batay sa report ng pulisya, hinuli ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-4) ang suspek sa loob ng McDonalds na matatagpuan sa panulukan ng EDSA at Evangelista St., Bgy. Bangkal sa Makati City bandang alas-2:15 ng hapon.

Unang napansin ng isang Guia,manager ng naturang fast food chain,na mistulang wala sa sarili ang suspek sa gitna ng pagtatrabaho kaya agad na kinausap ng una ang guwardiya na tumawag sa presinto para sa police assistance.

Iniwan naman ng suspek ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa at nang suriin ng guwardiya,nakita nito ang dalawang selyadong pakete ng umano’y shabu at tatlong pakete ng hinihinalang marijuana.

Dumating sina PO1 Barnedo at PO2 Evangelista, agad na sinuri ang laman ng bag sa harapan ng manager at natagpuan pa ang marami pang pakete ng umano’y nabanggit na droga na sanhi ng agarang pagkakaaresto ni Despabiladeras sa loob ng naturang fastfood chain.

Nang matapos ang dokumentasyon sa presinto agad na idiniretso ang suspek sa tanggapan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) para isailalim sa masusing imbestigasyon at matukoy ang supplier ng droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?