537

Jan 10, 2022 @ 17:03
By

Server ng Comelec na-hack

Nakuha ang ilang impormasyon ng mga botante matapos na ma-hack ang server ng Commission on Elections (Comelec) nitong Enero 8.

Nasa higit 60 gigabytes ng mga datos ang na-download ng hacker, ayon sa Manila Bulletin Technews.

“The other downloaded files were network diagrams, IP addresses, list of all privileged users, domain admin credentials, list of all passwords and domain policies, access to the ballot handling dashboard, and QR code captures of the bureau of canvassers with login and password,” pahayag ng MBTechnews.

Kabilang rin umano sa mga nakuhang impormasyon ay ang mga username at PIN ng vote-counting machine.

Agad namang nakarating kay Comelec Spokesperson James Jimenez ang balita.

Ayon kay Jimenez, ipagbibigay-alam niya ito sa Comelec Steering Committee sa lalong madaling panahon. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?