40

Oct 17, 2018 @ 17:14
By

Serrano, La Salle binugbog ang UE

Pumutok si Encho Serrano para pangunahan ang De La Salle University laban sa University of the East, 79-59, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Miyerkoles, Oktubre 17.

Umiskor si Serrano ng 18 puntos kasama ang anim na rebounds, dalawang assists at dalawang agaw galing sa bench.

“We respect UE. Kahit sino ang kalaban namin, we need to put the work in,” ani Green Archers head coach Louie Gonzalez.

Maagang pumutok ang La Salle ngunit naibaba ito sa tatlo ng UE, 46-49, sa ikatlong quarter.

Hindi naman pinabayaaan nina Serrano at Andrei Caracut na makapantay pa ang Red Warriors upang palobohin muli ang kanilang lamang sa 66-49.

Nagdagdag si Caracut ng 16 puntos samantalang may 13 marka naman si Santi Santillan parang ilista ang ikalimang panalo ng La Salle sa walong laro.

Nasayang naman ang 22 puntos at 17 rebound ni Alvin Pasaol para sa UE. Ito ang ikapitong talo ng Red Warriors sa walong laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?