81

Dec 30, 2017 @ 15:54

Serge Ibaka sinuspinde ng Raptors sa pakikipagtalo sa staff

Hindi nakaapekto ang pagsuspinde kay Spanish power forward Serge Ibaka sa gilas ng Raptors nang magsumite ng 25 points si DeMar DeRozan para pasanin ang Toronto laban sa Atlanta Hawks, 111-98, nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Umakyat sa 13-1 ang kartada ng Raptors sa home court nitong season.

Nagawang makaabante ng 19 points sa fourth quarter ang Toronto pero naibaba ito ng Hawks sa 13 points sa three-pointer ni Tyler Cavanaugh, 8:30 sa orasan.

Naibaba pa ng Atlanta sa siyam pero kumapit ang Raptors para hindi makawala sa kanila ang panalo.

Samantala, ayon sa Raptors, lumabag sa patakaran ng kanilang koponan si Ibaka matapos ang pakikipagtalo nito sa team staff.

Nagsimula ito sa laban ng Raptors sa OKC Thunder noong Miyerkules kung saan natalo sila, 124-107.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?