133

By

Sereno, walang SALN sa Ombudsman – Umali

Sharing is caring!

Wala umanong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na naka-file sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay House Justice Committee chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ito ang impormasyon na natanggap ng kanyang komite mula sa anti-graft body.

Kahit aniya ang 2002 SALN ni Sereno na natagpuan sa file ng UP Diliman ay wala rin sa Office of the Ombudsman.

“We received notice from the Office of the Ombudsman, there’s none,” sabi ni Umali.

Matatandaang inisyuhan ng Justice Committee ng subpoena ang Ombudsman para isumite dito ang kopya ng SALN na naisumite ni Sereno mula taong 2000 hanggang 2009 para makita kung idineklara nito ang kinitang P30 milyon sa PIATCO case.

Isinubpina rin ng Justice Committee ang Judicial and Bar Council (JBC) para isumite ang naihaing SALN ni Sereno bilang bahagi ng requirement sa JBC.

Ito’y matapos namang banggitin ni Associate Justice Teresita de Castro sa nakaraang impeachment hearing na 10 taong SALN ang required sa kanilang isumite sa JBC nang mag-apply sa pagka-punong mahistrado.

Pero sabi ni Umali, wala pang pasabi ang JBC kung susunod sa subpoena, pero kung hindi ay mapipilitan silang isyuhan ito ng show cause order.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?