117

Dec 11, 2017 @ 21:46
By

Sereno taksil sa bayan – Jardeleza

Tahasang inakusahan ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza si Chief Justice Maria Lourdes Sereno nang pagkakasala na treason o pagtataksil sa bayan.

Ginawa ito ni Jardeleza sa gitna ng pagdinig ng House justice committee sa impeachment complaint laban kay Sereno.

Ayon sa mahistrado, ginamit at inilabas ni Sereno ang mga classified na dokumento patungkol sa West Philippine Sea nang harangin ang kanyang nominasyon sa Judicial and Bar Council para sa bakanteng posisyon sa Korte Suprema.

“Iyong sinasabi ko na ang Chief Justice ang nag-commit ng disloyalty and treason is not a plain opinion. Iyon ay batay sa facts. Ginamit at pinalabas nya sa publiko ang classified na dokumento. Tinawag na island ang feature (sa West Philippine Sea) na hirap ang gobyerno na i-prove na rock,” ani Jardeleza.

Sinabi ni Jardeleza na ang paghawak niya sa issue ng pinag-aagawang teritoryo ang naging mitsa para kuwestiyunin ni Sereno ang kanyang integridad.

Dahil sa ginawang ito ng punong mahistrado ay nalaglag si Jardeleza sa JBC shortlist kaya naman dumulog ito sa Supreme Court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?