32
Abante-TnT--Sereno-sa-mga-kawani-ng-hudikatura--Manatiling-propesyunal
By

Sereno sa mga kawani ng hudikatura: Manatiling propesyunal

Sharing is caring!

Sa gitna ng kinakaharap na impeachment, may apela si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga miyembro ng Hudikatura.

Ayon sa Punong Mahistrado, ituloy lamang ng mga hukom, mahistrado at mga kawani ng mga hukuman ang kanilang pagtutok sa trabaho at sila ay maging propesyunal sa lahat ng pagkakataon.

Ginawa ni Sereno ang pahayag sa kanyang talumpati sa 14th Metrobank Foundation Professorial Lecture on Judicial and Disciplinary Action Now and Beyond.

“Continue your work undistracted professionally and excellently as you have been doing in the past,” saad ni Sereno.

Sinabi ng punong mahistrado na mahalaga para sa kanya na mapanatili ang dignidad at pagiging independyente ng Hudikatura.

At kahit pa naisasalang siya sa impeachment na itinuturing din na administrative disciplinary proceedings, ipinagmalaki ni Sereno na aktibo ang Korte Suprema sa pagdidisiplina sa mga abugado, hukom at mga court employee.

Aniya, mula 2012 hanggang nitong June 2017, nasa 20 hukom ang sinibak sa pwesto; 16 ang sinuspinde, 139 ang pinagmulta; 31 ang pinatawan ng reprimand, 50 ang pinagsabihan, apat ang binawian ng benepisyo at isang mahistrado ang pinatawan ng dismissal.

Hindi rin umano pinalagpas ng Korte Suprema ang pagdidisiplina sa mga abugado dahil base sa datos noong Agosto 2016, nasa 16 ang pinatawan ng disbarment; 76 ang sinuspinde sa pagpractice ng abugasya; sampu ang sinuspinde sa pagpractice ng abugasya at notary service; at apat ang sinuspinde mula sa notarial practice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?