70
ABANTE-TNT-Sereno,-Umali-nagbatian-sa-anibersaryo-ng-JBC
By

Sereno, pinilit na mag-leave ng SC en banc – Umali

Inanunsiyo ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa impeachment hearing ng kanyang komite na pinilit na mag-leave ng mga kasamahang mahistrado si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Sereno na “naka-wellness leave” ang punong mahistrado.

“Kasinungalingan iyong sinasabing wellness leave. It is indefinite leave and I hate to say it, this was because the en banc forced her into it. So in other words, majority, if not at all, of the en banc forced her to go on a leave,” ani Umali.

Sinabi ni Umali, chairman ng House justice committee, na galing sa kanyang “source” ang impormasyon tungkol sa nangyari sa Supreme Court en banc.

Binira naman nito ang mga abogado ni Sereno na nagsabing naka-wellness leave ang Chief Justice.

“Bakit ganito? Parang panlilinlang e. Nililinlang natin ang tao, hindi naman pala ito, pero iba ‘yung lumalabas sa bibig niya o bibig ng kanyang mga spokesperson. Pati yata ‘yung kanyang mga spokesperson, nahawa na sa kasinungalingan,” sabi ni Umali.

Gayunpaman, winelcome ng kongresista ang naturang development.

“This is welcome news to the Filipino people. This will give her[Sereno] time to reflect on what would be best for the judiciary which she heads,” ani Umali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?