251

Sereno pinatalsik sa Korte Suprema

Sharing is caring!

Sa botong 8-6, pinaboran ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Sereno ang kauna-unahang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman na natanggal sa puwesto na hindi dumaan sa impeachment trial.

Ang walong justices ang pumabor sa quo warranto ay sina Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Samuel Martires, Francis Jardeleza, Andres Reyes Jr. Alexander Gesmundo, at Noel Tijam, na siyang author ng desisyon.

Ang mga hindi naman pumabor ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Presbitero Velasco Jr., Marvic Leonen, Estela Perlas-Bernabe, Mariano Del Castillo, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?